*HI THERE!* this is geca's blog. anything around here is mine comments are welcomed. but i do NEED RESPECT navigations are the stars. TAG TAG TAG TAG! hugs for everyone!
`` <3 hearts
Sunday, April 22, 2007 may mga bagay talaga na pagtinignan mo madali lang, pero sa likod nung "madaling" bagay na yun naroon yung totoo, na hindi siya talaga ganun kadali. kaya lang siya nagiging madali kasi may pagsisikap,tiyaga at pagpupursige. at siguro may inspirasyon na rin. kaya siguro, hindi natin pagtawanan yung pagkakamali nung iba kahit na para satin madali lang yun. kasi iba iba naman ang tao, ang madali sa isa, impyerno sa iba. tulad yan ng asignatura sa paaralan, ang iba nahihirapan sa sipnayan at agham, ngunit nadadalian sa wikang ingles at pilipino. at yung iba naman ay baliktad. yung ibang pinagpala naman ay magaling sa apat sa asignaturang yan. siguro dahil mas masipag sila. pero kailanman, hinding hindi sila magkakaroon ng karapatang mangalipusta, manlait, o pagtawanan ang ibang tao dahil lamang hindi sila magaling sa isang bagay. dahil hindi naman lahat ng tao perpekto, o sabihin na nating walang perpekto bukod sa Amang Lumikha. lahat ng tao may kanya kanyang talento. naniniwala akong walang taong bobo, tamad? marahil nga mayroon [beep beep. ikaw ba yun? haha, babuyin daw ba ang post??] o siguro, di lang nila mailabas ang talento nila dahil may pilit na humaharang sa kanila. para umikli, ang nais ko lamang iparating sainyo ay, hindi natin dapat pagtawanan ang pagkakamali ng iba. dahil sa aking paniniwala, ang tao ay natututo sa kanilang pagkakamali, ito ang humuhubog sakanila upang maging isang bayani sa sarili nilang paraan. [tanong, bakit mo naisipang magsulat ukol dito? dahil nahipan ko yung clarinet at nakaabot ako ng la! yehey! haha. iman-nagpost na ko uli. brain is back :)) ambaboy nitong entry na toh. anlabo=)) ] [x]gec. 10:32 PM |